Skip to content
Official DepEd Caraga website
NEWS RELEASE | Agosto 13, 2026-𝗧𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝗮𝗰𝗸: 𝗗𝗔𝗦𝗠𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗲𝗻𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘀𝗶𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻
News
News & Media

NEWS RELEASE | Agosto 13, 2026-𝗧𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝗮𝗰𝗸: 𝗗𝗔𝗦𝗠𝗘𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗲𝗻𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘀𝗶𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

Sep 1, 2026 - 4 minutes read

CAGAYAN DE ORO CITY – 𝗣𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗔𝗿𝗺𝘆, 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗠𝗢 𝗚𝟳, 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗰𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝗰𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗼𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗶𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗲𝗻𝘃𝗶𝗿𝗼𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁.

Layunin nitong matiyak na ang impormasyong ibinabahagi sa publiko ay tumpak, napapanahon, mapagkakatiwalaan, at responsable, lalo na sa pagtugon sa misinformation, disinformation, at mal-information (MDM).

Tinalakay ito sa Digital And Social Media Summit (DASMES) 2026 na isinagawa sa Division Clubhouse, Camp Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City. Naging resource speaker si Mr. Karl Jasson Pios, Information Officer II ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Pios, ang paglaban sa banta sa maling impormasyon ay kailangan ng pag tutupongan ng mga communication team upang maprotektahan ang online information space.

Ipinaliwanag sa sesyon ang tatlong pangunahing uri ng maling o mapaminsalang impormasyon:

Misinformation ay maling impormasyon na hindi sinasadyang ibinabahagi ng isang taong naniniwalang ito ay totoo.

Disinformation ay maling impormasyong sadyang ginawa at ikinalat upang manlinlang.

Mal-information ay totoong impormasyon na ginagamit sa mapaminsalang paraan upang makapinsala sa isang tao, grupo, o organisasyon.

Mahalagang matukoy ang pagkakaiba ng mga ito upang maging angkop ang pagtugon sa bawat uri ng banta.

Tinalakay rin ni Pios ang mga umuusbong na online threat gaya ng social engineering, coordinated fake accounts, AI-generated content, deepfakes, at mga pekeng website o domain.

Binigyang-diin niya na may magkakaiba ngunit magkakaugnay na tungkulin ang communication at ICT teams. Ang communication teams ang nangangasiwa sa mga mensaheng inilalabas sa publiko, habang tumutulong ang ICT teams sa teknikal na beripikasyon at pagtukoy sa mga posibleng cyber threat.

Bago maglabas ng anumang pahayag sa publiko, hinikayat ang mga organisasyon na beripikahin muna ang impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa orihinal na source, metadata, reverse image search, at mga palatandaan ng manipuladong audio o video.

Binigyang-diin din na hindi lahat ng maling post ay nangangailangan ng pampublikong tugon, lalo na kung kakaunti lamang ang nakaaabot dito. Gayunman, kung mabilis at malawak na kumakalat ang maling impormasyon, kinakailangan itong tugunan agad sa pamamagitan ng malinaw at factual na impormasyon.

Kung ma-hack ang isang opisyal na social media account, dapat agad gamitin ang mga alternatibong communication channels at ipaalam sa publiko ang nangyari.

Binigyang-diin din ng summit ang kahalagahan ng mas mahusay na koordinasyon sa pagitan ng mga team. Dapat nang nakahanda ang malinaw na communication channels upang mabilis na maibahagi ang impormasyon at mga babala tungkol sa posibleng banta.

Mahalaga rin ang koordinadong pagtugon upang maiwasan ang kalituhan o magkakasalungat na pahayag. Dapat malinaw ang pagtatalaga ng mga tungkulin batay sa expertise, kung saan ang cybersecurity teams ang hahawak sa mga teknikal na isyu at ang mga subject-matter experts ang mangunguna sa mga usaping saklaw ng kanilang espesyalisasyon.

Ibinahagi rin ni Pios ang mga simpleng cybersecurity practices na dapat sundin ng mga personnel sa kanilang pang-araw-araw na trabaho:

Role-Based Access Control (RBAC): Tanging mga awtorisadong tao lamang ang dapat magkaroon ng access sa mga opisyal na account.

Multi-Factor Authentication (MFA): Gumamit ng karagdagang security measures gaya ng authentication apps, one-time passwords, o backup codes.

Safe Browsing: Laging tiyaking gumagamit ng secure HTTPS connection ang mga website.

Phishing Awareness: Mag-ingat sa mga kahina-hinalang email, link, at pekeng website na idinisenyong magmukhang lehitimo.

Binigyang-diin ng sesyon ang isang mahalagang mensahe: ang pagprotekta sa impormasyon online ay responsibilidad ng lahat, hindi lamang ng IT o communication teams.

Sa pamamagitan ng DASMES 2026, patuloy na pinapalakas ng Philippine Army, sa pamamagitan ng G7, ang kaalaman at kakayahan ng mga tauhan nito na kilalanin ang mga online threat, tumugon nang wasto, at makatulong sa pagbuo ng mas ligtas at mapagkakatiwalaang digital environment.

By: The Publis Affairs Unit

DepEd Caraga

END

For more information, contact (085) 221-1151, 0961-737-0873, or 0915-808-4734. Website: www.caraga.deped.gov.ph; email: caraga@deped.gov.ph; pau_caraga@deped.gov.ph

#DASMES2026MindanoLeg

See more photos through this link

Related posts